Home View News Articles Jobs fair tampok sa “Baggak Festival” sa La Union

Jobs fair tampok sa “Baggak Festival” sa La Union

Written by Park   

        Sa ginanap na “Baggak Festival” kamakailan sa bayan ng Bauang sa probinsiya, tampok ang ikaapat na pagsasagawa ng jobs fair rito bilang parte ng selebrasyon.

         Ayon kay Marvin Sandaga Subala, Public Employment Service Office (PESO) Manager ng naturang bayan, sila’y nakapagtala ng umaabot sa 324 aplikante.

         Ang mga ito ay college graduate, college level, undergraduate at high school graduate.

         Aniya, mayroong 15 employers o amo kabilang sa lokal ang siyang nag-alok ng trabaho nitong Abril 24 habang sa overseas naman ay 13 na amo.

     Ito’y kinabibilangan ng Avon, Sitel, BHF, Marand Resort and Spa, Pangasinan Employment Agency, Adessa, Greenworld, Starworld at iba pa.

       Ilan sa mga trabahong inalok ay Accounting Staff, Utility, Human Resource Assistant, Customer Service Representative, Sales Trainee, Contractor at Domestic Helper.

      Giit ni Subala, walang aplikante na nakuha agad sa naturang jobfair dahil dadaan o sasalang pa ang mga ito sa karagdagang panayam at pagsusulit.

          Bagkus, ang jobsfair na ito ay taong-taong isinasagawa sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Bauang, Kagawaran ng Paggawa at Empleyo o DOLE 1 at Philippine Overseas Employment Administration 1 upang tugunan ang pangangailangan ng mga jobseekers na makapagtrabaho bilang stratehiya para mabawasan ang kahirapan sa bansa, dagdag ni Subala. PIA-LA UNION

 

 

 



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
 
 
joomla templateinternet security reviews
Municipality of Bauang, La Union. Copyright 2017. All rights Reserved.
Technology template by best internet security Developed by Reyden and Dexter Maintained by the Office of the Municipal Administrator